Shopping security
"Ang mga karanasan sa kamusmusan, ang mga kasiyahan at kalungkutan, malaki man o maliit, ay nagtatanim ng mga binhi ng mga pangarap sa puso ng isang bata, mga pangarap na maaaring lagpas pa sa mataas na tangke na lihim niyang inaakyat. Doon sa ituktok ng mataas na tangke, inaangkin niya lahat ng abot-tanaw: ang mga bukid, mga bahay, mga palay na nakabilad sa init ng araw. Pero gaano ka man katagal sa itaas ng tangke, bababa ka pa rin na tulad sa pagbaba sa katotohanan. Para ikuwento ang mga kuwentong binuo mo sa isip habang ando’n ka sa itaas at “nabubuhay sa ibang mundo.” Di mo namamalayan, lahat pala ng ito ang huhubog sa iyong pagiging manunulat. Hanggang sa ang ikukuwento mo na ay hindi ang mga pinangarap mo sa itaas ng tangke kundi ang mga katotohanang hinarap mo dito sa ibaba.
Pagbati, Ferdie, sa maganda, tagos-sa-pusong koleksiyong ito ng mga kuwento ng paglaki.
—LUALHATI BAUTISTA
Sa madetalye at kurot-pusong mga sanaysay tungkol sa kanyang mga taon ng paglaki sa gitna ng kahirapan sa Candelaria, ipinakita ni Ferdinand Pisigan Jarin sa atin kung papaanong kasingliit ka man ng bubuwit, sa ibabaw ng tangke ay walang hangganan ang lawak na puwede mong marating.
Ang mga nakakaaliw at madamdaming sanaysay ni Jarin tungkol sa mga taon ng kanyang pagkabata ay mga tangkeng puwedeng gawing tuntungan ng mambabasa upang makita niyang walang hangganan ang mararating ng mga pangarap.
—RICKY LEE"
Ships within 48 hours · Estimated delivery Aug 11 - Aug 16
US$40
Get nowSign up to your membership to get coupons up to
15%
Get nowOpportunity to enjoy order discount up to 15% off
Top-Converting Item to Boost Your Average Order