Shopping security
Itinatampok sa aklat na ito ang re/bisyon sa mga kuwentong alamat ng ating bayan sa layong makapagluwal ng mga bagong posibilidad ng pagtanaw. Kinikilatis ang mga tauhang ating nakalakihan sa mga aklat pambata at salaysay ng ating mga nakatatanda, mga tauhang tulad nina Tungkong Langit, Alunsina, Lola Basyang, at Kapitan Gimo, sa layong makita ang iba pang mga mukha sa likod ng mga pamilyar na mukha. Binabalikan ang gubat na madilim ng Florante at Laura at bahay kubo ng kantang “Bahay Kubo” upang mahanap sa mga pamilyar na lugar na ito ang mga nawawalang hindi inaakalang nawawala sa simula. Higit sa lahat, pinangingibabaw nito ang muling pagharaya bilang paghamon sa naunang pagharaya. Bilang pangontra, kumbaga.
Madalas intindihin ang pangontra bilang bulong, dasal, o inskripsiyon na puwedeng gamiting panangga o panlaban sa mga anyo ng kapangyarihang hindi natin nakikilala gaya ng mga sumpa, salot, at maligno. Dahil ang pangontra at ang pagkukuwento ay parehong umiiral sa antas ng pagkatha, o ng paggamit ng salitang may bisa, kung kaya ang dalawang ito’y mga anyo rin ng kapangyarihang kapwa nagpapataw at nagpapalaya, ng gahum at kontragahum. Sa ganitong paggana, ang aklat na ito na aklat ng mga kuwento ay masasabi ring aklat ng mga pangontra.
Author : Allan N. Derain
ISBN/ISSN: 978971542992-4
Category: Literary; Short Stories; Filipino
Copyright: 2022
Pages: 224pp
Size: 6x9
Type: PB/SP
Ships within 48 hours · Estimated delivery Aug 3 - Aug 8
US$40
Get nowSign up to your membership to get coupons up to
15%
Get nowOpportunity to enjoy order discount up to 15% off
Top-Converting Item to Boost Your Average Order