Shopping security
Kapuwa meditasyon at kritisismo, nakikipagtuos ang Volto Santo ni Pat Baloloy Jr. sa tradisyon at relihiyon. Nariyan ang hindi matatakasang mga multo ng bisyo at sugal. Kaya tinutulaan niya ang mga ito, isang metodo na nagdadala sa kaniya sa kapatawaran, at kung kaya, sa kaliwanagan, na isang kabanalan. Kaya sa koleksiyong ito, ang pagkabighani sa mga santo, bote, butiki, kandila, ang pinid na pinto sa pagpapamasahe, ang himas ng bulag na masahista, ang mga yapak sa bundok, ang mga lagusan sa gubat, ang papalubog na araw, ang sikhay ng mangingisda, ang panulat at panulaan mismo. Koro ng gana, gayuma, hinagpis, ngitngit, aliw, sindak, takot, at ligwak ng mumunti at sari-saring tensiyon ang koleksiyon na nagpapatagpo sa atin sa walang-kamatayang paghahanap ng tao sa kahulugan at kabuluhan ng buhay. Dito, kung saan may pagtatanong kung “nauubos ba ang lamig?” nakapagpapahinga tayo sa kabanalan ng mga karaniwan.
Genevieve L. Asenjo
Manunulat, Mambabasa, at Guro
Binabalikwas ng Volto Santo ang konsepto ng banal sa sabayang etimolohiya at penomenolohiya mula sa Latin at German na piyudal, pangkaraniwan, at walang bago, at Proto-Malayo-Polynesian (kasama ng Kapampangan, Bikol, Masbatenyo) na sagrado, relihiyoso, at matuwid kahit pa parehong may kahalintulad na kahulugan ng pagkilala sa awtoridad at relasyong pangkapangyarihan: sino ang magsasabi kung ano ang ordinaryo at espesyal, kung sino ang banal, at paano maging banal o nagbanal-banalan lang? Sa koleksiyong ito ni Pat Baloloy Jr., kinukuwestiyon niya ang relasyong pangkapangyarihang kumuwestiyon kung sino ang banal, dakila, at baliw sa pang-araw-araw at sa historikal na buhay ng indibidwal at kolektibo.
Rolando B. Tolentino
Manunulat at Guro
Author: Pat Baloloy Jr.
ISBN/ISSN: 978621090045-3
Category: Literary; Poetry
Copyright: 2024
Pages: 172pp
Size: 6x9
Type: PB/SP
Ships within 48 hours · Estimated delivery Jul 27 - Aug 1
US$40
Get nowSign up to your membership to get coupons up to
15%
Get nowOpportunity to enjoy order discount up to 15% off
Top-Converting Item to Boost Your Average Order